Binúkid
Binúkid
Ang Binúkid ay ang wika ng mga katutubong Bukidnón sa bayan ng Manolo Fortich, Valencia, at Malaybalay sa lalawigan ng Bukidnón.
Maliban sa mga katutubong Bukidnón, matatagpuan din sa lalawigan ang ibang grupo tulad ng mga Tinalaándig, Higaúnon, Ilokáno, Ilónggo, at Sebwáno. Sa mga grupong ito, Sebwáno ang naging maimpluwensiya kayâ bukod sa Binúkid, marunong din ng wikang Bisayà ang mga Bukidnón. Ang kabataan naman, partikular ang mga nakapag-aaral, ay natututo ng wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Binúkid |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Bukidnón |
Sigla ng Wika | Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, North |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 56,485 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 10,745 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Capitan Angel, Brgy. Dalwangan, Brgy. Patpat, Brgy. Kalasungay, Brgy. Sumpong, Brgy. Canayan, Brgy. Manalog, Brgy. Kabalabag, Brgy. Casisang, Brgy. San Jose, Brgy. Laguitas, Brgy. Imabayo, Brgy. Mapayag, Brgy. Aglayan, Brgy. Cabangahan, Brgy. Miglamin, at Brgy. 1-11 sa Lungsod Malaybalay, Bukidnon
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ | Mayroong mataas na mutual intelligibility test sa wikang Tinalaandig |
Responses