Bángon Mangyán
Bángon Mangyán
Ang Bángon Mangyán ay ang wika ng katutubong Bángon Mangyán na matatagpuan sa paligid ng Ilog Binagaw sa Bongabong at sa mga nakapalibot na bundok sa bayan ng Bongabong, Bansud, at Gloria sa Oriental Mindoro.
Bángon Mangyán ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Bángon Mangyán dahil ito ang wika sa kanilang tahanan. Ito rin ang wikang ginagamit sa loob ng komunidad hanggang sa lumaki silá at matuto ng wikang Tagálog sa labas ng komunidad at ng Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Bángon Mangyán |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Bángon Mangyán |
Sigla ng Wika | Tiyak na nanganganib (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, South Mangyan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 3,838 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 650 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Bongabong, Bansud, at Gloria sa Oriental Mindoro |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses