Balangáw

 

Balangáw

          Ang Balangáw ay ang wika ng mga katutubong Balangáw na naninirahan sa siyam na barangay ng bayan ng Natonin, Mountain Province. Tinatawag din ang wikang ito na Binalangáw o Finalangáw, hábang kilalá rin ang grupo sa tawag na Inatónin o Ifalangáw. 

          Balangáw ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Balangáw. Bagaman may pagkakaiba sa paraan ng pagbigkas ng mga katutubong naninirahan sa kanlurang bahagi at gitnang bahagi ng Natonin, iisa lámang ang wikang Balangáw na ginagamit ng grupo. Bukod dito, gumagamit din silá ng wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Natututo rin ang mga batà ng Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Balangáw
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Balangáo, Farangáo
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Balangáw
Sigla ng Wika Di-Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Central Cordilleran, Nuclear
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 17,736 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 BIlang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   3,062 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon Natonin, Barlig, at Paracelis sa Mountain Province 
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses