Ayta Magbukun
Ayta Magbukun
Áyta Magbukún ang katutubong wika ng mga Ayta Magbukún. Sinasalita ito sa 12 komunidad ng Ayta Magbukún na nása lalawigan ng Bataan partikular sa bayan ng Abucay, Bagak, Dinalupihan, Limay, Mariveles, Morong, at Orion.
Tinatáyang 50% ng kabuoang bílang mga Ayta Magbukún sa buong lalawigan ng Bataan ang itinuturing na passive bilingual. Ibig sabihin, nakauunawa sila ng wikang Ayta Magbukún, ngunit hindi nakapagsasalita ng wika. Tagalog na rin ang wikang sinasalita sa bawat tahanan ng pamilyang Ayta Magbukún kayâ Tagalog na rin ang unang wikang natututuhan ng kanilang kabataan.
Sa kasalukuyan, may nasimulan nang pagsisikap ang DepEd para sa IPEd at Mother-Tongue ng Ayta Magbukún. Nagpapatuloy rin ang sinimulan noong 2018 na programang Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program sa komunidad ng Bangkal, Abucay, Bataan para sa muling pagpapasigla ng wikang Ayta Magbukún.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2015
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/015_Ayta-Magbukun.png)
Pangalan ng Wika | Áyta Magbukún |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Magbukún, Magbekin, Magbukón |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Áyta Magbukún |
Sigla ng Wika | Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Klasipikasyon | Central Luzon, Sambalic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 3,547 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 764 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Brgy. Bangkal, Abucay, Bataan Brgy. Dancol, Balanga, Bataan Brgy. Banawang at Brgy. Saysain, Bagac, Bataan Brgy. Duale, Limay, Bataan Brgy. Balob-Anito at Brgy. Biaan, Mariveles, Bataan Brgy. Binaritan, Morong, Bataan Brgy. Pag-asa, Orani, Bataan Brgy. Bilolo, Orion, Bataan Brgy. Palili, Samal, Bataan |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ | Brgy. Bangkal, Abucay, Bataan ang komunidad na may pinakamalaking bilang ng sambahayan na nása 141; subalit, ang Brgy. Dangcol, Balangan, Bataan ang itinutuing na sentrong komunidad ng mga Ayta Magbukun dahil nása Balanga ito na sentrong bayan ng Bataan. |
Responses