Ayta Mag-indi

Ayta Mag-indi

          Ang Ayta Mag-indi ay wikang sinasalita ng katutubong pangkat ng parehas na pangalan na naninirahan sa kabundukan ng Pampamga at Zambales. Sa kasalukuyan, mayroon nang lupaing ninuno ang mga Ayta Mag-indi sa bayan ng Floridablanca at Porac sa Pampanga. 

          Tinatáyang mayroon pang 519 pamilya/sambahayang Ayta Mag-indi sa buong bansa. Bílang isa sa mga wika ng katutubong pangkat na may maliit na populasyon, ang Ayta Mag-indi ay itinuturing ng KWF na isa sa mga wikang mahalagang mapangalagaan upang hindi ito maglaho.*

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2016

 

Pangalan ng Wika Áyta Mag-indi
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Mag-indí Sambál, Indi Ayta
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Áyta Mag-indi
Sigla ng Wika Di-Ligtas (Salik 1) 
Klasipikasyon Central Luzon, Sambalic 
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 5,353 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   1,299 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Lokasyon Floridablanca, at Porac, pampanga 
San Marcelino, Zambales 
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses