Áyta Mag-ántsi
Áyta Mag-ántsi
Áyta Mag-ántsi ang tawag sa wika ng grupong Áyta Mag-ántsi na naninirahan sa bayan ng Capas, Tarlac, partikular sa Sitio Flora sa Barangay Cut-Cut II; Sitio Binyayan sa Barangay O’ Donnel; Sitio Tarukan sa Barangay Maruglo; at Sitio Pilien sa Barangay Santa Juliana. Ginagamit din ito sa ilang bahagi ng Palayan, Nueva Ecija; Sitio Kanaynayan at Barangay Balaybay sa bayan ng Castillejos, Zambales; at sa Lungsod Olongapo, Zambales. Kilalá rin ang grupong ito sa tawag na Pagmimiha.
Áyta Mag-ántsi ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Áyta Mag-ántsi hanggang sa mag-umipsa siláng mag-aral—na karaniwang edad ay sampu pataas—at matuto ng ibang wika. Dito at sa labas ng komunidad nilá natututuhan ang wika ng mga kalapit na grupo tulad ng Tagálog, Ilokáno, Kapampángan, at Sambál. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/014_Ayta-Mag_antsi.png)
Pangalan ng Wika | Áyta Mag-ántsi |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Ayta Mag-ánchi |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Áyta Mag-ántsi |
Sigla ng Wika | Matinding nanganganib (Salik 1) |
Klasipikasyon | Central Luzon, Sambalic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 5,601 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 1,263 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Sityo Kalangitan, Brgy. Cutcut II; Sityo Flora at Sityo Binyagan, Brgy. O’Donnell; Sityo Tarukan, Brgy. Maruglu; at Sityo Pilien , Brgy. Santa Julinan sa Capas, Tarlac Palayan at Lupao sa Nueva Ecija |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses