Árta
Árta
Ang Árta ay ang wika ng grupong Árta na naninirahan sa ilang bahagi ng bayan ng Nagtipunan, partikular sa Disimungal, sa lalawigan ng Quirino. Maliban sa Árta ay kilalá rin ang grupo sa tawag na Agtâ.
Sa kasalukuyan, hindi na naituturo ang wikang Árta sa mga nakababatàng miyembro ng komunidad. Sa katunayan, mayroon na lámang 10 Árta na nakapagsasalita ng wikang Árta, at karamihan sa kanila ay nása 50 taóng gulang pataas. Dahil dito, at sa patúloy na paggamit ng ibang maimpluwensiyang wika sa lugar tulad ng Agtâ at Ilokáno, nanganganib nang tuluyang mawala ang wikang Árta.*
*datos mula sa isinagawang balidasyon ng KWF noong 2021
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/009_Arta.png)
Pangalan ng Wika | Árta |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) |
|
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Árta |
Sigla ng Wika | Salik 2* |
Klasipikasyon | Northern Luzon |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 32 pamilya (KWF, 2022) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 10 tao (KWF, 2022) |
Lokasyon | Brgy. Disimungal, Nagtipunan, Quirino |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ | *Absolut na bilang ng mga ispiker-nanganganib ang kakainting bilang ng mga miyembro ng isang komunidad ng mga ispiker |
Responses