Alangán Mangyán

 

Alangán Mangyán

          Alangán Mangyán ang tawag sa wika ng grupong Alangán Mangyán na naninirahan sa Oriental Mindoro, partikular sa mga bayan ng Baco, Naujan, San Teodoro, at Victoria; at sa Occidental Mindoro, sa bayan ng Sablayan at sa ilang bahagi ng bayan ng San Jose at Santa Cruz. 

          Karamihan sa mga Alangán Mangyán ay monolingguwal, lalo na iyong matatandang miyembro ng komunidad. Ang nakababatàng henerasyon naman, lalo na ang mga nakakapag-aaral, ay natututo ng wikang Filipíno at Inglés. Bagaman, iilan lámang ang nakapagsasalita ng Inglés dahil sa kakulangan ng eksposyur sa wikang ito.

Pangalan ng Wika Alangán Mangyán
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Alangán Mangyán
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon North Mangyan
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 23,030 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   4,858 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon Baco, Naujan, San Teodoro, at Victoria sa Oriental Mindoro;
Brgy. Batong Buhay, Brgy. San Agustin, at Brgy. Pag-asa sa Sablayan, Occidental Mindoro
Brgy. Lumangbayan, Brgy. Pinagturilan, Brgy. Kurtinganan, at Brgy. Barahan sa Santa Cruz, Occidental Mindoro 
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses