Agtâ Dumágat Umíray

 

Agtâ Dumágat Umíray

       Agtâ Dumágat Umíray ang tawag sa wika ng grupong Dumágat na matatagpuan sa lalawigan ng Quezon, partikular sa mga bayan ng Burdeos, General Nakar, Mauban, Panukulan, Polillo, at Real.

       Karamihan sa mga Dumágat ay nakapagsasalita ng Umíray o Umírey, bagaman may ilan nang komunidad na hindi na halos nagsasalita nitó, tulad sa Barangay Lubayat sa bayan ng Real na pawang matatandang Dumágat na lámang ang nakapagsasalita ng kanilang katutubong wika. Mas pinipili na ring gamítin ng karamihan ang wikang Tagálog na lingua franca sa lalawigan. Natututuhan na rin ng kabataan, lalo na ang mga nakapag-aaral, ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

 

 

Pangalan ng Wika Agtâ Dumágat Umíray
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Dumágat Umíray, Umírey
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Dumágat
Sigla ng Wika Matinding nanganganib (Salik 3) 
Klasipikasyon Northern Luzon, Northern Cordilleran, Northeast Luzon, Northern
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 1,276 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   145 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Sityo Pulang Lupa, Sityo Matatambo, Sityo Dadjangaw, Sityo Libutan, Sityo Madaraque, Sityo Angel/Sadlak, Sityo Tombil, Sityo Mactang, at Sityo Guindan, Brgy. Umiray sa General Nakar, Quezon

Sityo Dinigman, at Sityo Masanga, Brgy. Canaway; Sityo Babanan; Brgy. Maligaya; Sityo Masla at Sityo Malatunglan, Brgy. Sablang; Sityo Tamala, Brgy. San Marcelino; at Sityo Anibungan, Brgy. Magsikap sa General Nakar, Quezon

Sityo Yokyok, Sityo Baycuran, Sityo Makid-Ata, Sityo Tatawiran, Sityo Uma, Sityo Lagmak, at Sityo Makalya, Brgy. Pagsangahan sa General Nakar, Quezon

Sitio Lagyo, Brgy. Lubayat; Sityo Kalawines, Brgy. Tanauan sa Real, Quezon

Sityo Cabanabanaan at Sityo Dakil, Brgy. Cagsiay III sa Mauban, Quezon

Brgy. Taluong sa Polilio, Quezon

Brgy. Rizal sa Panukulan, Quezon

Sityo Tibalaw, Brgy. Cabungalunan; Sityo Kinabisagan, Brgy. Mabini; Sityo Lawis, Brgy. Carlagan; Sityo Anuwan, Brgy. Anibawan; Sityo Butunan at Sityo Bukal, Brgy. Poblacion; at Sityo Bonifacio, Brgy. Bonifacio sa Burdeos, Quezon

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses