Abéllen

 

Abéllen

          Abéllen ang tawag sa wika ng mga Ayta Abéllen na naninirahan sa lalawigan ng Tarlac, partikular sa mga barangay ng Burgos, Iba, Maamot, at Moriones sa bayan ng San Jose; sa Barangay Maasin sa bayan ng San Clemente; sa Barangay Labney sa bayan ng Mayontoc; sa Barangay Papaac sa bayan ng Camiling; at sa Barangay Care sa Lungsod Tarlac. Kilalá rin ang grupong ito sa tawag na Abéllen Áyta. 

          Abéllen ang unang wikang natututuhan ng mga Áyta Abellén. Paglaon ay natututuhan naman nilá ang Ilokáno—ang lingua franca sa lugar, at Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan bagaman biláng lang sa kanila ang nakaiintindi at nakapagsasalita ng Inglés. Ang ganitong multilingguwalismo ay dulot ng edukasyon, intermarriage sa mga miyembro ng ibang pangkating etniko, at pandarayuhan.

Pangalan ng Wika Abéllen
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Abenlen, Aburlin, Ayta Abéllen, Aberling 
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Áyta Abéllen 
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Central Luzon, Sambalic
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon  14,374 (PSA  2020 Census of Population and Housing)
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng WIka  1,086  (PSA  2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon

Sityo Agus at Tala, Brgy. Burgos;

Sityo Baag at San Pedro, Brgy. Iba;

Sityo Dirita at Sityo Tangan-Tangan, Brgy. Maamot;

Sityo Pisapungan at Cutog-cutog. Brgy. Sula; at Socorro, Brgy. Moriones sa San Jose, Tarlac 

Sityo Dueg at Sityo Begkes, Brgy. Maasin sa San Clemente, Tarlac 

Brgy. Labney Proper, Sityo Cayaweda, Sityo Lawak-Langka, at Mayantoc, Tarlac

Sityo Dayangdang at Sityo Pokis, Brgy. Papaac sa Camiling, Tarlac

Sityo Paguillao, Brgy. Care sa Lungsod Tarlac, Tarlac

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses