Yákan

 

Yákan

          Ang Yákan ay ang wika ng mga katutubong Yákan na naninirahan sa mga bayan ng Lamitan, Tuburan, Tipo-tipo, Sumisip, at Isabela sa lalawigan ng Basilan; sa Sulu; sa Isla ng Siakol, Lungsod Zamboanga; at sa ilang bahagi ng Zamboanga del Sur.

          Bukod sa kanilang katutubong wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Yákan ng wikang Bahása Sug at Chabacano. Natututuhan naman nilá ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Yákan
Iba pang tawag sa wika (alternate names) Bahasa Yákan, Iyakan
Pangkat na gumagamit ng wika  Yákan
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 1)
Klasipikasyon Greater Barito, Samalan
Mga kilalang wikain (dialects)
Populasyon 282,715 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit  ng Wika 50,459 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon

Lamitan, Tuburan,Tipo-tipo, Sumisip, at Lungsod Isabela sa Basilan
Isla ng Sakol sa Lungsod Zamboanga
Ilang lugar sa Zamboanga del Sur 
Ilang lugar sa Sulu

Sistema ng Pagsulat
Iba pang talâ

Responses