Tinalaandíg

 

Tinalaandíg

          Tinalaandíg ang tawag sa wika ng mga Talaandíg na naninirahan sa Bukidnon, partikular sa mga bayan ng Lantapan, Talakag, Malaybalay, Valencia, at Maramag. May mangilan-ngilan din na matatagpuan sa Lungsod Butuan sa Agusan del Norte, at sa bayan ng San Luis, Agusan del Sur.

          Isa ang Talaandíg sa katutubong grupong may pinakamalaking bílang ng populasyon sa kanilang lalawigan, at sa gayon ay itinuturing na isa sa pitóng pangunahing etnikong grupo sa Bukidnon. Sa kabila nitó, lumiliit na ang bílang ng mga gumagamit ng wikang Tinalaandíg. Ilan sa mga itinuturong dahilan ay ang intermarriage at ang pagpilì ng mga katutubo na gumamit ng ibang wika. Bukod sa Binisayâng Mindanáw na natutuhan na ng karamihan sa mga Talaandíg, natututo na rin silá ng Filipíno at Inglés mula sa paaralan at eksposyur sa midya.

Pangalan ng Wika Tinalaandíg
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Talaandig
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 1) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, North
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 102,306 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   2,930 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Lokasyon

Brgy. Miarayon, Brgy. Lapok, Brgy. Lirongan, at Brgy. San Miguel sa Talakag, Bukidnon

Brgy. Portulin, Pangantucan, Bukdinon

Lantapan, Bukidnon

Brgy. La Roxas at Brgy. Dagumba-an sa Maramag, Bukidnon

Brgy. Kalugmanan, Brgy. Dahilayan, at Brgy. Ticala sa Manolo Fortich, Bukidnon

Lungsod Malaybalay at Lungsod Valencia sa Bukidnon

San Luis, Agusan del Sur   

Lungsod Butuan, Agusan del Norte

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ Mayroong mataas na mutual intelligibility rate at lexical similarity rate sa wikang Binukid

Responses