Tiboli

Tíbolí

          Ang Tíbolí ay ang wika ng grupong Tíbolí na naninirahan sa mga bayan ng T’boli, Surallah, Polomolok, Tupi, Tantangan, Norala, Banga, at sa Lawa ng Sebu sa lalawigan ng Timog Cotabato; sa bayan ng Bagumbayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat; at sa baybáyin ng mga bayan ng Maitum, Kiamba, at Maasim sa lalawigan ng Sarangani.

          Bukod sa pangalang Tíbolí, kilalá rin ang grupo sa mga tagalabas sa tawag na Tíbolí Taomohin at Tagabili. Tabali naman kung tawagin silá ng katabíng pangkating etniko na mga Bláan.

          May limang porsiyento na lámang ng populasyon ng mga Tíbolí ang nananatiling monolinggguwal, at ito ay iyong mga naninirahan sa mga liblib na lugar sa kabundukan sa gilid ng Lawa ng Sebu. Bukod sa Hiligaynón na lingua franca sa kanilang lugar, hindi maiwasang matutuhan ng mga Tíbolí ang wika ng mga nakapalibot na grupong etnolingguwistiko tulad ng mga Tasaday, Manobo Alit, Mënuvú Úbo, Bláan, Ilónggo, at Bisayà. Natututuhan na rin ng kabataan ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo, kasabay ng wikang Tíbolí, sa mga paaralan.

Pangalan ng Wika Tbóli 
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) T’boli, Tibóli 
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tbóli 
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Bilic, Tboli-Blaan
Mga Kilalang Wikain (dialects) Central Tiboli, Western Tiboli, Southern Tiboli  
Populasyon 181,125 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  37,110 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Brgy. Aflek, Brgy. Afus, Brgy. Basag, Brgy. Datal Bob, Brgy. Dlanag, Brgy. Kematu, Brgy. Lambuling, Brgy. Lamhako, Brgy. Lamsalome, Brgy. Lambangan;  Brgy. Malugong, Brgy. Maan, Brgy. Mongocayo, Brgy. Talcon, Brgy. Talufo, Brgy. T’bolok, Brgy. Salacafe, Brgy. Poblacion, Brgy. Desawo, Brgy. New Dumangas, Brgy. Laconon, Brgy. Edwards, at Brgy. Sinolon,sa T’boli, South Cotabato

Sityo Tubak at Sityo Datal Lawa, Brgy. Upper Sepaka; Brgy. Veterans, Brgy. Colongulo, Brgy. Little Baguio, Brgy. Moloy, at Brgy. Talahik sa Surallah, South Cotabato  

 Brgy. Simbo, Tupi, South CotabatoSityo Tasaday, Sityo Blit,  SityoTasufo,  Sityo Lamfenek, Sityo Lambentong, Sityo Tulo, Sityo Datal, Sityo Lawa, Sityo Tubak, Sityo Fulosubong, Sityo Fenohok, Sityo Luyong Blugsanay, Sityo Lambadak, Sityo Datal Bonglangon, Sityo Tawan Dagat, Sityo Segowit, Sityo Tuburan, Sityo Yama, Sityo Uhay, at Sityo Blacol sa Brgy. Ned, Lake Sebu, South Cotabato

Brgy. Hanoon, Brgy. Lower Maculan, Upper Maculan, Brgy. Halilan, Brgy. Lamcade, Brgy. Denlag, Brgy. Klubi, Brgy. Lamdalag, Brgy. Poblacion, Brgy. Siluton, Brgy. Lake Lahit, Brgy. Talisay, Brgy. Lamlahak, Brgy. Takunel, Brgy. Bacdulong, Brgy. Tasiman, Brgy. Luhib, at Brgy. Lamfugon sa Lake Sebu, South Cotabato 

Brgy. Tinongcop, Brgy. Libas, Brgy. Maibo, Brgy. Bukay Pait, at Brgy. Dumadalig sa Tantangan, South Cotabato 

Brgy. San Miguel, Brgy. Puti, at Brgy. Tinago sa Norala, South Cotabato

Brgy. Lambingi, Brgy. Lampari, Brgy. Rang-ay, Brgy. El Nonok, Brgy. San Vicente, at Brgy. Malaya sa Banga, South Cotabato

Sityo Cawa, Sitio Saub,  Brgy. Mabay; Brgy. Kalaong; Sityo Tinib, Brgy Mindupok; Sityo Tuka na Timos, Brgy.Tinoto; Sityo Takal, Brgy. Pinol; Brgy. Old Poblacion; Brgy. New La Union; Maitum, Sarangani 

Sityo Tuka na Timos, Brgy. Tinoto sa Maasim, Sarangani

Brgy. Lomuyon, Brgy. Suli, Brgy. Nalus, Brgy. Salakit, Brgy. Lebe; at Brgy. Maligang sa Kiamba, Sarangani   

Sityo Pagonay, Brgy. Bai Sarifinang; Sityo Gumban, Brgy. Titulok, Brgy. Masiag, at Brgy. Monteverde sa Bagumbayan, Sultan Kudarat

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses