Tëduráy

 

Tëduráy

          Tëduráy ang tawag sa wika ng grupong Tëduráy na naninirahan sa bayan ng Upi sa lalawigan ng Maguindanao; bayan ng President Roxas sa lalawigan ng Cotabato; at bayan ng Lebak, lalawigan ng Sultan Kudarat. Sa Maguindanao matatagpuan ang pinakamalaking bílang ng mga katutubong Tëduráy.

          Tinatawag ng mga Tëduráy ang kanilang sarili na Etew Teduday o ‘táong Tituray,’ ngunit pinagbukod-bukod silá ayon sa kanilang kinaroroonan: Etew Rotor o ‘táong bundok’, Etew Dagat o ‘táong dagat’, Etew Teran o ‘táong tran’, at Etew Awang’ o ‘táong awang’ o Etew Upi o ‘táong upi.’

          Ang Tëduráy ay gáling sa salitâng “tëdu” na nangangahulugang lugar ng pinagmulan, kapanganakan, o tiráhan at “daya” na ang ibig sabihin ay mataas na bahagi ng sapa o ilog. Tradisyonal na táong bundok sa timog kanluran ng Mindanao ang mga Tëduráy. Silá ay naninirahan sa pinakamataas na bahagi ng tuyông ilog sa hilagang bahagi ng Cotabato kung saan ang bulubunduking lupain ng Cotabato ay nakaharap sa Dagat Celebes.

Pangalan ng Wika Tëduráy
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Tirúray, Tirúrai
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tëduráy
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Bilic
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 138,646 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   30,115 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Lokasyon

bayan ng Upi, South Upi, at Datu Blah T. Sinsuat, lalawigan ng Maguindanao;

bayan ng President Roxas sa lalawigan ng Cotabato;

at bayan ng Lebak, lalawigan ng Sultan Kudarat

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses