Tagálog
Tagálog
Isa ang Tagálog sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang unang wika ng humigit-kumulang 22,000 Pilipino na naninirahan sa lalawigan ng Rizal, Bataan, Quezon, Laguna, Batangas, Zambales, Cavite, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Camarines Norte, Marinduque, Mindoro, at Metro Manila.
Dahil sinasalita sa maraming lugar sa Pilipinas, umusbong na ang maraming diyalekto ng wikang Tagálog. Tinatawag ng mga Tagálog ang varayti ng wikang Tagálog na kanilang sinasalita ayon sa lugar na pinagmulan nito: Kabitényo para sa Tagálog mula sa Cavite, Bulakényo para sa Tagálog mula sa Bulacan, Batanggényo para sa Tagálog ng mga tubòng Batangas, atbp.
Noong 30 Disyembre 1937, ipinroklama ang wikang Tagálog bílang batayang wika ng Wikang Pambansa ng Pilipinas, na noong 1959 ay tinawag nang Pilipino sa ilalim ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagálog ang pinakaubod ng wikang Filipino, bagaman ito ay patuloy na pinauunlad at nagtataglay na ng mga katangian ng mga katutubong wika ng Pilipinas.
Pangalan ng Wika | Tagálog |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Tagálog |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Tagalog |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Tagalog-Bulacan, Tagalog-Bataan, Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Cavite, Tagalog-Laguna, Tagalog-Batangas, Tagalog-Quezon, Tagalog-Rizal, Tagalog-Mindoro, Tagalog-Marinduque, Tagalog-Camarines Norte, Tagalog-Aurora |
Populasyon | 18,513,677 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 6,120,727 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Aurora, Bataan, Bulacan, at Nueva Ecija Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon Mindoro, Marinduque, at Puerto Princesa sa Palawan (maliban sa mga barangay ng Tanabag, Bancao-bancao, Manalo, Maruyogon, Lucbuan, Langogan, at Napsan) Sta. Elena, Capalonga, Labo, Paracale, Vinzons, ilang bahagi ng Talisay, at Jose Panganiban sa Camarines Norte
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ | *Ang bilang ng populasyon at sambahayan na sumagot ng Tagalog sa R4A, R4B, ilang lalawigan sa R3, at ilang bayan sa Camarines Norte |
Responses