Tagakawló
Tagakawló
Ang Tagakawló ay ang wika ng mga katutubong Tagakawló na naninirahan sa Malungon at Alabel sa lalawigan ng Sarangani.
Tagakawló ang kadalasang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Tagakawló bagaman may ilan na hindi na natuto nito dahil sa intermarriage o pakikipag-asawa ng mga katutubo sa mga dayo o sa mga miyembro ng ibang pangkating etniko tulad ng Hiligaynón, Sebwáno, at Tagálog. Dahil dito, marami na sa mga Tagakawló ang nakapagsasalita rin ng wika ng mga nasabing grupo. Ang mga Tagakawló sa bayan ng Malungon, na kasámang naninirahan ng grupo ng mga Bláan, ay natuto na rin ng wikang Bláan.
Pangalan ng Wika | Tagakawló |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Tagakaoló, Tagakauló |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Tagakawló |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Mansakan, Western |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 152,604 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 23, 578 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Malalag sa Davao del Sur Malita at Santa Maria sa Davao Occidental Brgy. Nagpan, Brgy. Malalag Cogon, Brgy. Poblacion, Brgy. Banaha, Brgy. Tamban, Brgy. Malandag, Brgy. Datal Tampal, Brgy. Atlae, Brgy. Kiblat, Brgy. Malabod, Brgy. Alkikan, Brgy. B’laan, Brgy. Datal Bila, Brgy. Datal Batong, Brgy. Ampon, Brgy. Lutay, Brgy. Lower Mainit, Brgy. San Roque, Brgy. San Miguel, Brgy. Panamin, Brgy. San Juan, Brgy. Kinabalan, Brgy. Talus, Brgy. Banate, Brgy. J.P. Laurel, Brgy. Malungon Gamay, Brgy. Kawayan, Brgy. Upper Lumabat, Brgy. Kibala, at Brgy. Upper Biangan sa Malungon, Sarangani Brgy. Domolok, Brgy. Datal Anggas, Brgy. Alegria, Brgy. Paraiso, Brgy. Tokawal, Brgy. Baluntay, Brgy. Bagacay, Brgy. Maribulan, Brgy. Poblacion, Brgy. Pag-asa, at Brgy. Spring sa Alabel, Sarangani |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses