Tagabulós

Tagabulós

          Ang Tagabulós ay ang wika ng mga katutubong Agta sa lalawigan ng Aurora, partikular sa mga barangay ng Dibut, Jotorin, Dicapinisan, at Dimanayat sa bayan ng San Luis; at sa mga barangay Matawe at Omiray sa bayan ng Dingalan. May mangilan-ngilan ding nagsasalita ng wikang ito sa Infanta, Quezon.

          Bukod sa Tagabulós, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga katutubo ng Tagálog na rehiyonal na wika sa Aurora. May iba rin na marunong ng Ilokáno. Natututuhan na rin nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Tagabulós
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tagabulós Agtâ
Sigla ng Wika Matinding nanganganib (Salik 3) 
Klasipikasyon Austronesian, Malayo-Polynesian, Hilagang Pilipínas, Kordilyéra, Dumágat, Tagabulós
Mga Kilalang Wikain (dialects) Nothern Luzon, Northern Cordilleran, Northeastern Luzon
Populasyon 129 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   430 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon

Brgy. Dibut, Brgy. Dikapinisan, Sityo Diotorin, Brgy. Dibayabay; at Brgy. Dimanayat sa San Luis, Aurora

Brgy. Cabog (Matawe) at Brgy. Umiray sa Dingalan, Aurora

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses