Tagabawá

Tagabawá

          Tagabawá ang tawag sa wika ng mga katutubong Bagóbo Tagabawá na naninirahan sa mga ligid ng Bundok Apo at sa mga gilid ng Ilog Lipadas, Ilog Matanao, Ilog Bulatukan, at Ilog Saguing sa Davao. Matatagpuan silá partikular sa mga barangay ng Toril, Marilog, Baguio, Calinan, at Tugbok sa Lungsod Davao; sa bayan ng Santa Cruz, Digos, Bansalan, at Sibulan sa Davao del Sur; at sa Lungsod Kidapawan, Cotabato.

          Binisayâng Mindanáw ang rehiyonal na wika sa mga lugar na nabanggit kayâ bukod sa wikang Tagabawá ay marunong din nitó ang mga Bagóbo Tagabawá.

Pangalan ng Wika Tagabawá
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Tagabáwa Bagóbo, Tagabáwa Manóbo
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tagabawá Bagóbo
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, South
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 13,878 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  1,625 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Brgy. Marilog, Brgy. Baguio, Brgy. Calinan Poblacion, Brgy. Tugbok Poblacion, at Brgy. Toril sa Lungsod Davao, Davao del Sur

Sta. Cruz, Lungsod Digos, at Bansalan sa Davao del Sur 

Makilala at Lungsod Kidapawan sa Cotabato

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses