Subanën
Subánën
Ang Subánën ay ang wikang sinasalita ng mga katutubong Subánën sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, partikular sa mga bayan ng Katipunan, Sindangan, Siocon, Sirawai, Dipolog, Manukan, Titay, Ipil, Labason, Sibuco, Salug, Kalawit, Tampilisan, Gutalac, Tungawan, Siayan, Manuel Roxas, at Osmeña; gayundin sa ilang bahagi ng Zamboanga, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Misamis Occidental.
Subánën ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Subánën. Sa kanilang paglaki ay natututuhan din nilá ang Hiligaynón at Binisayâng Mindanáw na mga rehiyonal na wika sa kanilang lugar. Pagtuntong sa paaralan, nagsisimula naman siláng matuto ng Filipíno at Inglés na mga wikang panturo.
Pangalan ng Wika | Subanën |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Subánon, Sinubánon, Sinubánën, Subánun |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Subanën, Subanon |
Sigla ng Wika | Di-Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Subanon |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Ginselugnén, Lapuyan, Sindangan, Sioco, Tuboy-Salog |
Populasyon | 758,499 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 49,902 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Don Victoriano Chiongban, Misamis Occidental Sindangan; Siocon, Brgy. Linay at Brgy. Pangandao sa bayan ng Manukan, Manuel A. Roxas, Polanco, at Jose Dalman (Ponot); Zamboanga del Norte Aurora; Bayog; Dimataling; Dinas; Dumalinao; Dumingag; Kumalarang; Labangan; Lapuyan; Mahayag; Margosatubig; Midsalip; Molave; Zamboanga del Sur Alicia; Buug; Kabasalan; Imelda; Ipil; Mabuhay; Malangas; Naga; Payao; Roseller Lim; Siay; Titay; Tungawan; Zamboanga Sibugay |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses