Sebwáno
Sebwáno
Isa ang Sebwáno sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Sinasalita ito ng mga grupong Sebwáno at ng iba pang pangkating etniko sa isla ng Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, Agusan, Bukidnon, Davao, Lanao del Norte, Surigao, Misamis Oriental, Leyte, Zamboanga del Sur, mga bahagi ng Masbate, at sa ilang bayan ng Cotabato. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Sinugbuanong Binisaya, Sugbuhánon, Sugbuánon, Visayà, Bisayà, at Binisayâ.
Pangalan ng Wika | Sebwáno |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Bisayà/Binisayâ, Sugbuánon, Cebuáno/Sebuáno, Sinugbuánong Binisayâ |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Sebwáno |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Katimugang Leyte Binisayâ, Binul-anong Binisayâ, Negrenseng Binisayâ, Binisayáng Siquijor, Binisayáng Mindanaw, at Masbatenyong Binisayâ |
Populasyon | 15,522,998 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 5,930,202 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
lalawigan ng Cebu Biliran at Naval sa lalawigan ng Biliran Calubian, San Isidro, Tabango, Villaba, Matag-ob, Palompon, Lungsod Ormoc, Merida, Isabel, Albuera, Lungsod Baybay, Abuyog, Mahaplag, Inopacan, Hindang, Hilongos, Bato, at Matalom sa lalawigan ng Leyte Pagsanghan at Santo Niño sa Kanlurang Samar Cajidiocan, Odiongan, Romblon, San Agustin, San Andres, Sta. Fe, at Sta. Maria sa lalawigan ng Romblon |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses