Rinkonada

Rinkonáda

          Rinkonáda ang tawag sa wikang sinasalita sa mga bayan ng Bato, Nabua, Bula, Bulatan, Baao, at Lungsod Iriga sa lalawigan ng Camarines Sur. Kilalá rin ito sa tawag na Bíkol Iríga at Bíkol Rinkonáda.

          Mataas ang pagtingin ng mga taga-Rinkonada sa kanilang wika. Ito ang kanilang unang wikang natutuhan, kasunod ang Bíkol na wikang panrehiyon sa Bicol. Natutuhan din nila ang Filipino at Ingles mula sa paaralan at sa eksposyur sa midya.

Pangalan ng Wika Rinkonáda
Iba pang tawag sa wika (alternate names) Bíkol Rinconáda
Pangkat na gumagamit ng wika  Bikoláno, Rinkonáda
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippines, Central Philippine, Bikol, Inland
Mga kilalang wikain (dialects)
Populasyon 418,407 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  102,050 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon Baao, Balatan, Bato, Bula, Nabua, at Lungsod Iriga sa Camarines Sur  
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang talâ Bikol ang ginagamit sa simbahan at sa pagsulat ng mga dokumento o mga talâ sa pagpupulong ng iba’t ibang samahan sa Rinkonada

Responses