Paláw-an

Paláw-an

          Paláw-an ang tawag sa wika ng mga katutubong Paláw-an na naninirahan sa iba’t ibang barangay sa mga bayan ng Aborlan, Bataraza, Brooke’s Point, Quezon, Rizal, at Sofronio Española sa lalawigan ng Palawan.

          Ilan sa kilalang varayti ng Paláw-an ay ang Paláw-an Brooke’s Point na sinasalita sa Barangay Maasin at Barangay Ipilan, partikular sa Sitio Linao, sa bayan ng Brooke’s Point at bayan ng Quezon; ang Paláw-an Sentrál sa mga barangay ng Berong, Panitian, Tabon, at Tagusao sa bayan ng Quezon at sa mga bayan ng Aborlan, Rizal, at Sofronio Española; ang Paláw-an Timog Kanluran na sinasalita sa mga barangay ng Bono-bono, Bulalacao, Kulandanum, Malihod, Marangas, at Sandoval sa bayan ng Bataraza.

          Wikang Paláw-an ang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Paláw-an. Sa labas ng komunidad ay natututuhan nila ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Paláw-an
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Paláw-an Brooke’s Point, Paláw-an Sentrál, Paláw-an Tímog Kanlúran
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Paláw-an
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 1) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Palawanic
Mga Kilalang Wikain (dialects) Paláw-an Brooke’s Point, Paláw-an Sentrál, Paláw-an Timog Kanluran
Populasyon 149,581 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  23,335 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Sityo Linaw, Bgy. Ipilan; at Bgy. Maasin sa Brooke’s Point, Palawan

Brgy. Tabon, Brgy. Tagusaw, Brgy. Panitian, at Brgy. Berong sa Quezon, Palawan

Brgy. Tumarbong, Roxas, Palawan

Brgy. Ipilan, Narra, Palawan

Rizal,  Aborlan, at Sofronio Española sa Palawan

Sityo Agas, Brgy. Iwahig; Brgy. Marangas, Brgy. Bono-bono, Brgy. Malihud, Brgy. Bulalacao, Brgy. Culandanum, at Brgy. Sandoval sa Bataraza, Palawan

Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses