Masbatényo
Masbatényo
Ang Masbatényo ay ang wikang sinasalita ng mga Masbatényo at iba pang grupo sa halos buong lalawigan ng Masbate maliban sa mga bayan sa timog-kanlurang bahagi ng lalawigan na isang varayti ng Sebwáno ang sinasalita, ang Masbatényong Binisayâ.
Dahil binubuo ng tatlong isla ang lalawigan ng Masbate—ang Burias, Masbate, at Ticao—umusbong ang tatlong varayti ng wikang Masbatényo na sinasalita sa bawat pulo. Bukod sa mga varayting ito, sinasalita rin sa lalawigan ang Bíkol, Waráy, Hiligaynón, Filipíno, at Inglés.
Pangalan ng Wika | Masbatényo |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Minasbate, Masbateño |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Masbatényo |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, Central, Perpheral |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 748,696 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumamit ng Wika | 127,888 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Masbate |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses