Magahát

Magahát

          Magahát ang tawag sa wika ng mga katutubong Magahát Bukidnón na kilalá rin sa tawag na Bukî. Sinasalita ito sa lalawigan ng Negros Oriental, partikular sa mga barangay ng Bongolanon, Cabatuanan, Linantayan, Maglinao, Bal-os, Cabalayongan, Nagbo-alao, Actin, Olando, at Poblacion,sa bayan ng Basay. Sinasalita rin ang naturang wika sa bayan ng Hinoba-an, Negros Occidental. 

          Bukod sa mga Bukî ay mayroon ding grupong Sebwáno sa lalawigan kayâ bukod sa Magahát, natututo rin ang mga katutubo ng wikang Sebwáno. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan. 

 

Pangalan ng Wika Bukidnon Magahát
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Magahat
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Bukî o Magahat Bukidnon 
Sigla ng Wika Malubhang nanganganib (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine 
Mga Kilalang Wikain (dialects)  
Populasyon

2,498 (IPMR Magahat, Basay, 2021 Census) 

869 (PSA 2020, Census of Population and Households, Hinoba-an)

 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika 

 501 (IPMR Magahat, Basay 2021 Census)

30 (PSA 2020 Census of Population and Households, Hinoba-an) 

Lokasyon

Barangay ng Bongalonan, Cabatuanan, Maglinao, at Linantayan, Bal-os, Cabalayongan, Nagbo-alao, Actin, Olandao, Poblacion sa bayan ng Basay sa lalawigan ng Negros Oriental  

Hinoba-an, Negross Occidental 

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses