Kinaráy-a
Kinaráy-a
Kinaráy-a ang tawag sa wika ng mga Karáy-a na naninirahan sa iba’t ibang bahagi ng mga lalawigan ng Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Antiqueño, Hinaráya, at Karáy-a.
Bukod sa Kinaráy-a, sinasalita rin ang wikang Hiligaynón sa mga nabanggit na lugar. Gayunman, higit na marami ang nagsasalita nitó kaysa Hiligaynón sa lalawigan ng Antique, sa buong Capiz, sa Gitnang Iloilo, at sa mga bayan sa kanlurang baybáyin ng Iloilo. May ilan ding grupo na nagsasalita nitó sa lalawigan ng Palawan.
Nakauunawa rin ang halos lahat ng mga Karáy-a ng wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Kinaráy-a |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Antiquéño, Hinaráya, Karáy-a |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Karáy-a |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 614,942 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 146,826 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Antique; bahaging timog ng pulo ng Guimaras Tigbauan, Leon, Alimodian, Cabanutuan, Santa Barbara, Pototan, Anilao, at Dingle sa Iloilo Tapaz at Jamindan sa Capiz Brgy. Apoc-Apoc, Aborlan, Palawan Bataraza, Dumaran, Narra, Sofronio Esapañola, at Taytay sa Palawan
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses