Kinamayú

Kinamayú

          Kinamayú ang tawag sa wika ng mga Kamayú na naninirahan sa lalawigan ng Surigao del Sur, partikular sa mga bayan ng Barobo, Bislig, Hinatuan, Lianga, Lingig, Marihatag, at Tagbina. May mangilan-ngilan ding nagsasalita nitó sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, at sa bayan ng Boston, Davao Oriental. 

          Tanging Kinamayú lámang ang wikang ginagamit ng grupo sa loob ng kanilang komunidad. Bagaman ginagamit ang Filipíno at Inglés sa paaralan, sinasalita lámang ang mga wikang ito kapag itinuturo ang mga asignaturang Filipíno at Inglés dahil Kinamayú pa rin ang midyum na ginagamit ng mga guro sa pagtuturò.

          Bukod sa kanilang katutubong wika, marunong din ang mga Kamayú ng Surigawnón at Sebwáno na kanila namang natutuhan sa labas ng komunidad.

Pangalan ng Wika Kinamayú
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Kamayú, Kinamayó
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kamayú
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Mansakan, Northern 
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 299,347 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  39, 024 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon

Barobo, Bislig, Hinatuan, Lianga, Lingig, Marihatag, at Tagbina sa Surigao del Sur;  

Boston, Davao Oriental 

Ilang lugar sa Agusan del Sur at Agusan del Norte 

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses