Kaluyanën

 

Kaluyanën

          Kaluyánën ang tawag sa wikang sinasalita ng mga Kaluyánën sa isla ng Caluya sa lalawigan ng Antique. Kilalá rin ang grupo sa pangalang Kaluyánen, Kaluyánun, at Kaluyanhón. 

          Semirara ang kilaláng diyalekto ng Kaluyánon, bagaman may iba pang mga wikang sinasalita sa ibang lugar na hawig dito, tulad ng wikang sinasalita sa Ilin (Iling), Ambulong, Tadlok, Sibalat, Banban, Alibog, at Maasin sa lalawigan ng Mindoro; at sa Batbatan at Maniguin (Maningning) sa bayan ng Culasi, Antique.

          Bukod sa Kaluyánën, marunong din ng wikang Hiligaynón ang mga Kaluyánën. Halos pantay lámang ang pagkatuto nilá sa kanilang unang wika na Kaluyánën at pangalawang wika na Hiligaynón.

Pangalan ng Wika Kaluyánën
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Kaluyánon, Caluyánen, Caluyánon
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kaluyánën
Sigla ng Wika Malubhang nanganganib (Salik 3)
Klasipikasyon Greater Central Philippines, Central Philippine, Bisayan, West
Mga Kilalang Wikain (dialects) Semirara
Populasyon

38,908 (PSA 2020 Census of Population and Housing)

 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika 

64 (PSA 2020 Census of Population and Housing)

Lokasyon Isla ng Caluya, Antique
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses