Isnëg
Isnëg
Isnë́g ang tawag sa wika ng mga Isnëg na naninirahan sa bundok ng Apayao, partikular sa mga bayan ng Calanasan, Kabugao, Conner, Luna, at Pudtol. May ilan ding maliliit na komunidad sa ilang bayan ng Ilocos Norte at Cagayan ang gumagamit ng wikang ito.
Ilokáno ang rehiyonal na wika sa Apayao kayâ karamihan sa mga Isnëg ay marunong ng wikang ito. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés pagtuntong sa paaralan bagaman maliit na porsiyento lámang sa kanila ang pormal na nakapag-aaral.
Pangalan ng Wika | Isnë́g |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Apayáo, Isnág, Maragát |
Pangkat na gumagamit ng wika | Apayáo, Isnëg , Maragát |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Isnag |
Mga kilalang wikain (dialects) | Calanasan, Kabugao |
Populasyon | 54,307 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 9,205 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Calanasan, Kabugao, Conner, Luna, at Pudtol sa Apayao Sityo Rayray, Brgy. Bacsil at Sityo Masamuyao, Brgy. Payac sa Bangui, Ilocos Norte Brgy. Angset, Brgy. Barbaqueso, at Brgy. Virbira sa Carasi, Ilocos Norte Sityo Nalasen, Brgy. San Marcelino sa Dingras, Ilocos Norte Dumalneg, Ilocos Norte Sityo Laoag, Brgy. Cacafean, Marcos, Ilocos Norte Sityo San Agustin, Brgy. Pancian; Sityo Salicsic, Brgy. Dampig; Brgy. Saguigui; at Brgy. Caunayan sa Pagudpud, Ilocos Norte Brgy. Manalpac at Brgy. Maananteng sa Solsona, Ilocos Norte Sityo Dasar, Brgy. Isic-isic at Sityo Gubang, Brgy. Canaam sa Vintar, Ilocos Norte Brgy Adams (Pob), Adams, Ilocos Norte Sityo Badang, Brgy. Maliclico Proper, Sudipen, La Union Santa Praxedes, Claveria, at Sanchez Mira sa Cagayan |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang talâ |
Responses