Inata

 

Inata

          Wikang Inatá ang katutubong wika ng mga Atá. Sinasalita ito sa apat na komunidad ng mga Atá sa lalawigan ng Negros Occidental partikular sa bayan ng Cadiz, Sagay, Calatrava, at Salvador Benedicto. 

          Batay sa pagtatáya ng mga namumuno sa komunidad ng Sityo Manara, halos 10% o 30 miyembro na lámang ang nakapagsasalita ng kanilang katutubong wika sa kanilang komunidad at karamihan dito ay mga nakatatandang miyembro na lámang ng komunidad. Sa kasalukuyan, Hiligaynon na ang wikang ginagamit ng kanilang komunidad sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Sa tahanan, Hiligaynon din ang wikang ginagamit ng mga pamilya sa kanilang komunidad. Kayâ naman, ito na rin ang unang wikang natutuhan ng kanilang mga anak.*

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2015

Pangalan ng Wika Inatá
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Atá
Sigla ng Wika Matinding nanganganib (Salik 1) 
Klasipikasyon Greater Central Philippines, Central Philippine 
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 4,274 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   534 (PSA 2020) 
Lokasyon

Sityo Manara, Brgy. Celestino Villacin sa Cadiz, Negros Occidental 

Lungsod Sagay, Calatrava, Toboso, at Salvador Benedicto sa Negros Occidental

Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ Nakatatandang henerasyon na lamang ang gumagamit ng wika

Responses