Ibalóy
Ibalóy
Ibalóy ang tawag sa wika ng grupong Ibalóy na naninirahan sa timog-silangang bahagi ng lalawigan ng Benguet, partikular sa mga bayan ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Tuba, Itogon; katimugang Kapangan; at Atok. Kilalá rin ang grupo sa pangalang Ibadóy, Inibalóy, Benguet-Igorot, at Igodór.
Ginagamit din ng mga katutubong Ibalóy ang lingua franca sa rehiyon, ang wikang Ilokáno, at ang Filipíno, at Inglés na natututuhan nilá mula sa paaralan at sa eksposyur sa midya.
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/042_Ibaloy_new-scaled.jpeg)
Pangalan ng Wika | Ibalóy |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Ibaloi, Ibadoy, Inibaloi, Igodor |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Ibalóy |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Meso-Cordilleran, South-Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran, Nuclear Southern Cordilleran |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Kabayan, Bokod, Daklan |
Populasyon |
145,010 (NSO 2010 CAR) 3,147 (2018 State of Barangay Governance Report) Brgy. Bineng, La Trinidad at Brgy. Tublay Central, Tublay, Benguet / LEF 2018) |
Lokasyon | Lungsod Baguio; at mga bayan ng Atok, Bokod, Kabayan, Kapangan, La Trinidad, Tublay, Tuba, Sablan, at Itogon sa lalawigan ng Benguet; at Kayapa, Nueva Vizcaya |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses