Hiligaynon
Hiligaynon
Hiligaynón ang tawag sa wika ng grupong Hiligaynón na naninirahan sa kanlurang Visayas partikular sa lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental. May ilan ding nagsasalita nitó sa Negros Oriental, Sultan Kudarat, at Timog Cotabato sa Mindanao.
Hiligaynón ang tawag ng grupo sa kanilang wika samantalang tinatawag naman ng mga tagalabas ang kanilang wika na Panayáno. Ilonggo naman ang tawag sa mga táong nagsasalita ng wikang ito. Bukod sa Hiligaynón, ginagamit din ng mga Ilonggo ang wikang Filipino at Ingles sa pakikisalamuha sa mga hindi katutubong Ilónggo, gayundin sa paaralan.
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/041_Hiligaynon_new-scaled.jpeg)
Pangalan ng Wika | Hiligaynón |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Ilónggo |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Ilónggo |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, Central, Peripheral |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 8,608,191 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 1,933,512 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Iloilo |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses