Higaúnon
Hinigaúnon/Hinigaónon
Higaúnon ang tawag sa wika ng grupong Higaúnon na isa sa pitóng pangunahing grupo sa lalawigan ng Bukidnon. Matatagpuan ang grupo sa Brgy. Hagpa at Brgy. Kalabugao, Lungsod Impasug-ong; Brgy. San Luis, Lungsod Malitbog, Cabanglasan, at Malaybalay, Bukidnon; Agusan del Norte, Misamis Oriental; Iligan, Lanao del Norte.
Bagaman isa ang Higaúnon sa mga pangkat na may pinakamalawak na sakop ng teritoryo at pinakamalaking bílang ng populasyon sa kanilang rehiyon, kasalukuyang bumababà ang bílang ng mga nagsasalita ng wikang ito. Ito ay dahil sa pagpili ng maraming Higaúnon na salitain ang mas maimpluwensiyang wika sa kanilang lugar, ang wikang Binisayâ, at ang pagkatuto ng wikang Filipíno at Inglés dahil sa edukasyon at impluwensiya ng midya. Dahil din sa intermarriage o pagpapakasal ng mga katutubong Higaúnon sa mga miyembo ng ibang pangkating etniko—tulad ng mga Bisayà, Ilónggo, Ilokáno, at Tagálog na pawang mga kalapit na grupo—ay patuloy na nababawasan ang bílang ng mga nagsasalita ng wikang ito.
Pangalan ng Wika | Hinigaúnon/Hinigaónon |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) |
Higaónon |
Pangkat na gumagamit ng wika | Hingaúnon/Higaónon |
Sigla ng wika | Di-ligtas (Salik 1) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, Higaunon |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon | 462,976 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 11,322 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Balintad, Brgy. Buenavista, Brgy. Danatag, Brgy. Imbatug, Brgy. Kalilangan, Brgy. Lacolac, Brgy. Langaon, Brgy. Liboran, Brgy. Lingating, Brgy. Mabuhay, Brgy. Mabunga, Brgy. Nicdao, Brgy. Pualas, Brgy. Salimbalan, Brgy. San Miguel, at Brgy. San Vicente sa Baungon, Bukidnon Brgy. Silae, Brgy. Indalaza, Brgy. Zamboanguita, Brgy. Saint Peter, Brgy. Mapulo, Brgy. Caburacanan, Brgy. Busdi, at Brgy. Kulaman sa Lungsod Malaybalay, Bukidnon Libona, Manolo Fortich, Malitbog, Sumilao, Impasugong, Cabanglasan, Kalilangan, at iba pang bahagi ng Talakag sa Bukidnon Lungsod Iligan, Lanao del Norte Cagayan De Oro Misamis Oriental Agusan del Norte |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
|
Responses