Hanunoó Mangyán
Hanunoó Mangyán
Ang Hanunoó Mangyán ay ang wika ng mga katutubong Hanunoó Mangyán na naninirahan sa mga bayan ng Mansalay, Bulalacao, at ilang bahagi ng Bongabong sa Oriental Mindoro at sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro.
Isa ang Hanunoó Mangyán sa walong pangkat ng Mangyán na matatagpuan sa Mindoro. Kilalá rin sila sa tawag na Mangyán Hanunoó o kaya’y Mangyán bagaman mas madalas silang tawaging Hanunoó upang matukoy mula sa ibang grupong Mangyán.
May ilang kilalang varayti ng Hanunoó Mangyán: ang Binli, Bulalakawnon, Kagankan, Waigan, at Wawan na sinasalita sa mga sityo ng Baqilan, Langat, Malutuk, at Umaban sa bayan ng Barañunan. Maliban sa mga varayting ito, sinasalita rin ng mga Hanunoó Mangyán ang wikang Binisayâ na isa mga maimpluwensiyang wika ng lugar. Halos lahat din mga Hanunoó ay nakapagsasalita ng Filipíno at Inglés lalo na ang mga nakapag-aral.
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/038_Hanunoo-Mangyan-scaled.jpeg)
Pangalan ng Wika | Hanunoó Mangyan |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Hanunoó Mangyan |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, South Mangyan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Binli, Bulalakawnon, Kagankan, Waigan, at Wawan |
Populasyon | 44,471 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 8,339 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | |
Sistema ng Pagsulat | Katutubong Paraan ng Pagsulat |
Iba pang Talâ |
Bansud, Mansalay, at Bulalacao sa Oriental Mindoro |
Responses