Gáddang
Gáddang
Gáddang ang tawag sa wika ng mga katutubong Gáddang na matatagpuan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya partikular sa mga bayan ng Bagabag, Bayombong, Diadi, Quezon, Solano, at Villaverde; Brgy. Anonat, Poblacion, Buringal, Bacarri, at Bananao, Mt. Province; sa lalawigan ng Isabela partikular sa mga bayan ng Angadan, Echague, Gamu, Burgos, San Mateo, Tumauini, Reina Mercedes, at sa lungsod ng Cauayan at Santiago; lalawigan ng Quirino partikular sa bayan ng Diffun; at sa lalawigan ng Aurora. Ang iba pang tawag sa wika ay Gaddanes, Gadang, Gadan, Ga’dan. Kilalá rin ang mga grupo sa tawag na Kági o Caggi na nangangahulugang “táong naninirahan sa Lambak Cagayan.”
May tatlong kilaláng wikain ang wikang Gáddang: ang Gáddang (Nueva Vizcaya), Gádang (Isabela), at Gâdang (Paracelis, Mountain Province). Maliban sa mga varayting ito, iisa lang ang Gáddang na sinasalita ng mga katutubong Gáddang kasabay ng Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Nakaiintindi at nakapagsasalita rin silá ng mga wika ng mga kalapit na grupo tulad ng Ayángan, Ibanág, Ifugáw, Isináy, Kalangúya, Tagálog, at Yógad. Natututuhan naman ng kabataang Gáddang ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Gáddang |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Gaddánes, Gádang, Gádan, Ga’dang |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Gáddang |
Sigla ng Wika | Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Ibaganic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Gáddang (Nueva Vizcaya), Gádang (Isabela), Gâdang (Paracelis, Mountain Province) |
Populasyon |
44,013 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika |
5,476 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Bantay, Paracelis, Mountain Province Brgy. Aromin, Brgy. Cabugao, Brgy. Caniguing, Brgy. Diasan, Brgy. Dugayong, Brgy. Fugu, Brgy. Narra, Brgy. Garit Norte, Brgy. Gumbaoan, Brgy. Madadamian, Brgy. Magleticia, at Brgy. Nilumisu sa Echague, Isabela Ramon, Lungsod Santiago, Angadanan, Reina Mercedes, Burgos, at Lungsod Cauayan sa Isabela |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses