Finontók

Finontók

          Ang Finontók ay ang wika ng grupong Ifontók na naninirahan sa bayan ng Bontoc, Mountain Province, partikular sa mga barangay ng Dalican, Guina-ang, Mainit, Maligcong, Samoki, Tocucan, at Talubin. 

          Sa Bontoc, kapansin-pansin na ang mga katutubong Ifontók ay nakatirá sa mas mataas na bahagi ng bayan at tíla nakahiwalay sa modernong komunidad na binuo ng mga Amerikano noon. Isa ito sa mga posibleng dahilan kung bakit napanatili ng mga Ifontók ang kanilang wika at sa kasalukuyan ay mas ginagamit pa rin kaysa sa wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Sa katunayan, sinasalita ng mga Ifontók ang wikang Ilokáno sa tono o puntong Finontók.

          Tulad rin ng maraming grupo, edukasyon, eksposyur sa midya, at pakikisalamuha sa ibang pangkating etniko at mga dayo ang nagdalá ng impluwensiya ng ibang wika tulad ng Filipíno at Inglés sa komunidad ng mga Ifontók.

Pangalan ng Wika Finontók
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Bontók
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ifontók
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Central Cordilleran, Nuclear Cordilleran, Bontok-Kankanay
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 79,029 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  6,880 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon Brgy. Bontoc Ili, Brgy. Calutit, Brgy. Caneo, Brgy. Guinaang, Brgy. Poblacion, Brgy. Samoki, Brgy. Talubin, at Brgy. Tocucan sa Bontoc, Mountain Province
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses