Bugkalút

 

Bugkalút

          Ang Bugkalut ay ang wika ng grupong Bugkalút na naninirahan sa Nueva Vizcaya. Isa ang Bugkalút sa siyam na pangunahing katutubong grupo sa lalawigan, at matatagpuan silá partikular sa mga bayan ng Alfonso Castañeda, Dupax del Sur, Dupax del Norte, at Kasibu. May mga Bugkalot rin na naninirahan sa lalawigan ng Quirino, Aurora, at ilang bahagi ng Nueva Ecija. 

          Bukod sa mga Bugkalut, naninirahan din sa Nueva Vizcaya ang mga grupong Ifugáw, Kalíngga, Ilokáno, Tagálog, Isináy, Kalangúya, Kankanaëy, Ibalóy, at Dumágat—at ang wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon ang nagbubuklod sa mga grupong ito. Bukod sa Bugkalut at Ilokáno, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga katutubo, lalo na ang mga nakapag-aaral, ng wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Bugkalót/Égongót* 
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Ilongot
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Bugkalót, Égongót
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Southern Cordilleran
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 18,712 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  1,876 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Sityo Sinepgit at Sityo Tayug, Brgy. Pelaway; Sityo Dilaktan, Brgy. Galintuja; Brgy. Lipuga, Brgy. Cauayan, at Brgy. Lublub sa Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya
Brgy. Abaca, Brgy. Talbek, Brgy. Kimbutan, Brgy. Ganao, Brgy. Biruk, at Brgy. Kinabuan sa Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya
Sityo Digyan, Sityo Matanawta, Brgy. Pao; Sityo Lintungan, Brgy. Capisaan; Brgy. Kakiduguen, Brgy. Pacquet, Brgy. Muta, Brgy. Alloy, at Brgy. Seguem sa Kasibu, Nueva Vizcaya
Brgy. Binuangan, Brgy. Yabbi, Brgy. New Gumiad,
Brgy. Belance, at Brgy. Oyao sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya
Brgy. Bayanihan at Brgy. Galintuja sa Maria Aurora, Aurora
Brgy. Ditale, Brgy. Dibutunan, at Brgy. Dimabuno sa Dipaculao, Aurora
Sityo Comgang, Brgy. Matmad; Sityo Tabayong at Sityo Maopat, Brgy. San Pugo; Sityo Tamsi, Brgy. San Dionisio II; Brgy. Landingan, Brgy. Wasid, Brgy. Ponggo, Brgy. La Conwap,
Brgy. Keat, at Brgy. Mataddi sa Nagtipunan, Quirino
Brgy. Guribang, Diffun, Quirino
Brgy. Dibibi, Cabarroguis, Quirino
Brgy. Dipintin, Maddela, Quirino
Brgy. Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija
Carranglan, Nueva Ecija

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

*Bugkalot ang tawag ng mga taga-Nueva Vizcaya at Quirino sa kanilang wika at pangkat, samantala, Egongot ang tawag ng mga taga-Aurora.  Batid nila na iisa ang kanilang pinagmulan, kultura, at wika. Iisa ang kanilang ginagamit na wika, mayroon lamang diyalektal na baryasyon.

Responses