Bolináw
Bolináw
Bolináw ang tawag sa wika ng mga Bolinawnón na nanininirahan sa Isla ng Anda at mga barangay ng Binabalian, Concordia, Dewey, Germinal, Goyodin, Lucero, Luciente 1st, Luciente 2nd, Liwa-Liwa, Pilar, Salud, at Victory sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.
Bolináw ang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Bolinawnón, kasunod ang wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/025_Bolinaw-1.png)
Pangalan ng Wika | Bolináw |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Bolináo Sambál, Binóbolináo |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Bolináwnon |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Gitnang Luzon, Sambalic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 76,860 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 9,421 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Binabalian, Brgy. Concordia, Brgy. Dewey, Brgy. Goyoden, Brgy. Lucero, Brgy. Luciente 1st, Brgy. Luciente 2nd, Brgy. Liwa-Liwa, Brgy. Pilar, Brgy. Salud, at Brgy. Victory sa Bolinao, Pangasinan Anda, Pangasinan |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses