Boînën

 

Boînën

          Boînën ang tawag ng mga katutubong Buhînon sa kanilang wikang sinasalita. Matatagpuan silá sa bayan ng Buhî sa lalawigan ng Camarines Sur. 

          Ligtas ang estado ng wikang Boînën sapagkat ito ang ginagamit ng lahat ng henerasyon sa loob ng tahanan at sa buong komunidad. Ito rin ang unang wikang natututuhan ng kabataan at ginagamit na rin ngayon sa loob ng paaralan.

          Bukod sa wikang Boînën, marunong ang halos lahat ng Buhînon ng wikang Rinkonáda at Bíkol. Marunong din ang ilan sa kanila ng Filipíno at Inglés dahil sa pakikisalamuha sa mga dayo at turista sa lugar, at sa midya.

Pangalan ng Wika Boînën
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Buhînon, Bíkol-Boînën
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Buhînon
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 1) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bikol, Inland
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 39,455 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   9,614 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon Buhi, Camarines Sur 
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ Ang kabuoang populasyon na gumagamit ng wika ay nagmula sa Poblacion at ilang barangay na malapit at nasa gilid ng lawa. 

Responses