Bikol

 

Bikol

          Ang Bíkol ay ang wikang sinasalita ng mga Bíkoláno sa rehiyon ng Bíkol, partikular sa lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon. Ito ang opisyal na wika ng buong rehiyon. 

          Bukod sa wikang Bíkol, mayroon ding ibang wikang sinasalita ang iba pang grupo sa rehiyon. Sa Camarines Norte ay ginagamit ang wikang Tagálog at Manidé. Sa Camarines Sur naman, na mayroong iba’t ibang grupong Agta, ay sinasalita ang Agtâ Isaróg, Agtâ Irigá, Agtâ Irayá, at Rinkonáda. Mabilis ring natututuhan ng mga Bíkoláno ang wikang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Bíkol
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Biíkol Nága, Bíkol Legázpi
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Bikoláno
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bikol
Mga Kilalang Wikain (dialects) Catanduanes, Miraya, Sorsogon
Populasyon 7,079,814 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   1,033,457 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Lokasyon

Bacaycay, Rapu-Rapu, Tiwi, Legaspi, Malinao, Lungsod Tobaco, Malilipot, Santo Domingo, at Manito sa Albay 
Lungsod Naga, San Fernando, Milaor, Gainza, Caramoan, Magarao, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Pili, Ocampo, Tigaon, Garchitorena, Goa, Lagonoy, Sagñay, San Jose, Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Canaman, Cabusao, Pamplona, Pasacao, Minalabac, at Presentacion sa Camarines Sur 
Daet, San VIcente, Talisay, Mercedes, Basud, at San Lorenzo Ruiz (Imelda) sa CamarineS Norte
Virac, Bato, San Miguel, Gigmoto, San Andres, Pandan, Caramoran, Bagamoc, Panganiban at Viga sa Catanduanes 
Bacon, Prieto Diaz, Magallanes, Lungsod Sorsogon, Castilla, Casiguran, at Juban sa Sorsogon

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Mga Varayti ng Wikang Bíkol

Bíkol Catanduanes
          Ang Bíkol Catanduanes ay varayti ng Bíkol na may halong Bisayà. Sinasalita ito sa bayan ng Panganiban, Viga, Bagamanoc, Pandan, Payo, at Caramoran sa Catanduanes. Tinatawag ang mga nagsasalita nitó ayon sa lugar na kanilang pinagmulan, tulad ng Payonhón para sa mga taga-Payo, Panganibánon para sa mga taga-Panganiban, atbp.

 

Bíkol Miraya
          Sinasalita ang varayting ito sa mga bayan ng Libon, Polangui, Oas, Ligao, Pio Duran, Jovellar Guinobatan, Camalig, at Daraga sa Albay; at sa bayan ng Pilar at Donsol sa Sorsogon. Ang mga nagsasalita nitó ay tinatawag ayon sa lugar na kanilang pinagmulan, tulad ng Kamaligényo para sa mga taga-Camalig, Daragényo para sa mga mula sa Daraga, atbp.

 

Bíkol Sorsogon
          Ang Bíkol Sorsogón ay varayti ng Bíkol na may halong Waráy. Sinasalita ang varayting ito sa lalawigan ng Sorsogon at tinatawag din ang mga nagsasalita nitó ayon sa lugar na kanilang pinagmulan, tulad ng Gubatnón para sa mga mula sa Gubat, Irosín-Bíkol sa mga taga-Irosin, atbp.

Responses