Ayta Mag-indi
Ayta Mag-indi
Ang Ayta Mag-indi ay wikang sinasalita ng katutubong pangkat ng parehas na pangalan na naninirahan sa kabundukan ng Pampamga at Zambales. Sa kasalukuyan, mayroon nang lupaing ninuno ang mga Ayta Mag-indi sa bayan ng Floridablanca at Porac sa Pampanga.
Tinatáyang mayroon pang 519 pamilya/sambahayang Ayta Mag-indi sa buong bansa. Bílang isa sa mga wika ng katutubong pangkat na may maliit na populasyon, ang Ayta Mag-indi ay itinuturing ng KWF na isa sa mga wikang mahalagang mapangalagaan upang hindi ito maglaho.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2016
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/016_Ayta-Mag_indi.png)
Pangalan ng Wika | Áyta Mag-indi |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Mag-indí Sambál, Indi Ayta |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Áyta Mag-indi |
Sigla ng Wika | Di-Ligtas (Salik 1) |
Klasipikasyon | Central Luzon, Sambalic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 5,353 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 1,299 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Floridablanca, at Porac, pampanga San Marcelino, Zambales |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses