Áyta Ambalá

 

Áyta Ambalá

          Ang Áyta Ambalá ay ang wika ng mga katutubong Áyta Ambalá na naninirahan sa Barangay Bayanbayanan, Tubo-tubo, at Payangan sa bayan ng Dinalupihan, Bataan; sa Barangay Tipo, Mabiga, at Bamban sa bayan ng Hermosa, Bataan; sa Lungsod Olongapo, Zambales; at mga bayan ng Castillejos at San Marcelino, Zambales. 

          Áyta Ambalá ang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Áyta Ambalá, kasunod ang Ilokáno at Sambál na karaniwan niláng naririnig sa mga kalapít na grupo at mga dayo sa kanilang lugar. Natututuhan din nilá ang Filipino na wikang panturo sa kanilang mga paaralan.

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2018

 

Pangalan ng Wika Áyta Ambalá
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Ambalá Sambal
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Áyta Ambalá
Sigla ng Wika Matinding nanganganib (Salik 1) 
Klasipikasyon Central Luzon, Sambalic 
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 2,444 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  246 (PSA 2020 Census of Population and Housing)  
Lokasyon Brgy. Pita, Brgy. Bayan-bayanan, Brgy. Tubo-tubo, at Brgy. Payangan sa Dinalupihan, Bataan 
Brgy. Tipo, Brgy. Mabiga, at Brgy. Bamban sa Hermosa, Bataan 
Subic, San Marcelino, at Castillejos sa Zambales 
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses