Átta

 

Átta

          Átta ang tawag sa wikang sinasalita ng mga katutubong Átta na naninirahan sa bayan ng Apayao, partikular sa mga barangay ng San Gregorio, Santa Lina, at Zumigue sa bayan ng Luna; sa bayan ng Pudtol; at sa bayan ng Gattaran sa lalawigan ng Cagayan. Kilalá rin ang grupong ito sa tawag na Ádta, Éta, o Ítta. 

          Bagaman Átta ang pangkalahatang tawag sa grupo at sa wikang kanilang sinasalita, mas kilalá silá sa pangalan ng varayti ng Átta na kanilang sinasalita, tulad ng Ogobok Átta, Kapagaypayan Átta, Átta Tattaday, Kabayo Átta, atbp.

          Bukod sa mga nabanggit na varayti, marunong din ang mga Átta ng wikang Ilokáno na lingua franca sa kanilang lugar. Nakaiintindi rin silá ng Filipíno na sinisikap niláng matutuhan mula sa paaralan at sa eksposyur sa iba’t ibang uri ng midya tulad ng libro, radyo, at telebisyon. Iilan lámang sa kanila ang nakaiintindi ng Inglés dahil sa kakulangan ng eksposyur dito.

Pangalan ng Wika Átta
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Átta Pudtól
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Agtâ
Sigla ng Wika Malubhang nanganganib (Salik 3) 
Klasipikasyon Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Ibanagic 
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 608 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Bilang ng Sambayan na Gumagamit ng Wika  97 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Pudtol, Apayao
Brgy. Zumigui, Brgy. Santa Lina, Brgy. San Gregorio, at Brgy. Luyon sa Luna, Apayao
Brgy. Ganzano sa Gattaran, Cagayan 

 

Iba pang Talâ

 

Responses