Aklánon

 

Aklánon

          Aklánon ang tawag sa wika ng grupong Aklánon na naninirahan sa lalawigan ng Aklan. May ilan ding nagsasalita nitó sa lalawigan ng Palawan, tulad sa bayan ng El Nido at sa ilang bahagi ng mga bayan ng Narra, Quezon, Roxas, at Sofronio Española. 

          Bukod sa kanilang katutubong wika, may ilan ring Aklánon na nakaiintindi at nakapagsasalita ng wika ng mga kalapit na grupo tulad ng Áti, Malaynón, at Hiligaynón.

Pangalan ng Wika Aklánon
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Aklán, Akeánon, Bukídnon, Binúkid Akeánon
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Aklánon
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 615,475 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   133,121 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon Aklan 
El Nido, Palawan 
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses