Agutaynë́n
Agutaynë́n
Agutaynë́n ang tawag sa wika ng mga katutubong Agutaynen na naninirahan sa lalawigan ng Palawan, partikular sa isla ng Agutaya; sa mga barangay ng Dagman, Osmeña, at San Jose de Oro sa bayan ng Araceli; sa Barangay Jose Rizal sa bayan ng Aborlan; sa mga barangay ng Narra, San Nicolas, at Sandoval sa bayan ng Roxas; sa mga barangay ng Kemdeng, New Agutaya, at San Isidro sa bayan ng San Vicente; at sa mga bayan ng Taytay, Linacapan, at Brooke’s Point.
Bukod sa kanilang katutubong wika, marunong rin ang mga Agutaynë́n ng wikang Tagálog na lingua franca sa lalawigan. Natututo rin silá ng Filipíno at Inglés mula sa paaralan.
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/005_Agutaynén_new.png)
Pangalan ng Wika | Agutaynë́n |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Agutaynón |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Agutaynë́n |
Sigla ng Wika | Di-Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Kalamianic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 19,965 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na GUmagamit ng Wika | 2,385 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Brgy. Dagman, Brgy. San Jose de Oro, at Brgy. Osmeña sa Arceli, Palawan Brgy. Jose Rizal sa Aborlan, Palawan Brgy. Narra, Brgy. Sandoval, at Brgy. San Nicolas sa Roxas, Palawan Brgy. Kemdeng, Brgy. San Isidro, at Brgy. New Agutaya sa San Vicente, Palawan Agutaya, Brooke’s Point, Linapacan, at Tagaytay sa Palawan |
Sistema ng Pagsulat |
|
Iba pang Talâ |
Responses