Agtâ Dumágat Umíray
Agtâ Dumágat Umíray
Agtâ Dumágat Umíray ang tawag sa wika ng grupong Dumágat na matatagpuan sa lalawigan ng Quezon, partikular sa mga bayan ng Burdeos, General Nakar, Mauban, Panukulan, Polillo, at Real.
Karamihan sa mga Dumágat ay nakapagsasalita ng Umíray o Umírey, bagaman may ilan nang komunidad na hindi na halos nagsasalita nitó, tulad sa Barangay Lubayat sa bayan ng Real na pawang matatandang Dumágat na lámang ang nakapagsasalita ng kanilang katutubong wika. Mas pinipili na ring gamítin ng karamihan ang wikang Tagálog na lingua franca sa lalawigan. Natututuhan na rin ng kabataan, lalo na ang mga nakapag-aaral, ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/003_Agta-Dumagat-Umiray_new.png)
Pangalan ng Wika | Agtâ Dumágat Umíray |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Dumágat Umíray, Umírey |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Dumágat |
Sigla ng Wika | Matinding nanganganib (Salik 3) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Northern Cordilleran, Northeast Luzon, Northern |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 1,276 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 145 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Sityo Pulang Lupa, Sityo Matatambo, Sityo Dadjangaw, Sityo Libutan, Sityo Madaraque, Sityo Angel/Sadlak, Sityo Tombil, Sityo Mactang, at Sityo Guindan, Brgy. Umiray sa General Nakar, Quezon Sityo Dinigman, at Sityo Masanga, Brgy. Canaway; Sityo Babanan; Brgy. Maligaya; Sityo Masla at Sityo Malatunglan, Brgy. Sablang; Sityo Tamala, Brgy. San Marcelino; at Sityo Anibungan, Brgy. Magsikap sa General Nakar, Quezon Sityo Yokyok, Sityo Baycuran, Sityo Makid-Ata, Sityo Tatawiran, Sityo Uma, Sityo Lagmak, at Sityo Makalya, Brgy. Pagsangahan sa General Nakar, Quezon Sitio Lagyo, Brgy. Lubayat; Sityo Kalawines, Brgy. Tanauan sa Real, Quezon Sityo Cabanabanaan at Sityo Dakil, Brgy. Cagsiay III sa Mauban, Quezon Brgy. Taluong sa Polilio, Quezon Brgy. Rizal sa Panukulan, Quezon Sityo Tibalaw, Brgy. Cabungalunan; Sityo Kinabisagan, Brgy. Mabini; Sityo Lawis, Brgy. Carlagan; Sityo Anuwan, Brgy. Anibawan; Sityo Butunan at Sityo Bukal, Brgy. Poblacion; at Sityo Bonifacio, Brgy. Bonifacio sa Burdeos, Quezon
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses