Agtâ Dumágat Casigúran
Agtâ Dumágat Casigúran
Ang Agtâ Dumágat Casigúran ay ang wika ng grupong Agtâ Dumágat Casigúran na naninirahan sa lalawigan ng Aurora, partikular sa bayan ng Dinalungan, Casiguran, at Dilasag (DICADI); at sa bayan ng Palanan, Isabela. Kilalá rin ang mga Agtâ Dumágat Casigúran sa tawag na Dumágat.
Bukod sa kanilang katutubong wika, marunong rin ang mga Dumágat ng wikang Tagálog na lingua franca sa lalawigan. Natututuhan rin nilá ang wika ng mga kalapit na grupo tulad ng mga Kasiguránin at Ilokáno. Ang nakababatàng henerasyon, lalo na ang mga nakapag-aral, ay marunong ng Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Agtâ Dumágat Casigúran |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Agtâ Kasigúran |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Agtâ Dumágat Casigúran |
Sigla ng Wika | Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Northern Cordilleran, Northeast Luzon, Northern |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 1,748 (NCIP Rehiyon III, 2023) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 440 (NCIP Rehiyon III, 2023) |
Lokasyon |
Sityo Bial, Brgy. Dibaraybay; Sityo Inipit, Brgy. Simbahan; Sityo Delebsong, Brgy. Nipoo sa Dinalungan, Aurora Sityo Dalugan at Sityo Disigisaw, Brgy. San Ildefonso; Sityo Dipontian at Sityo Dimagipo, Brgy. Cozo; Sityo Maninit, Brgy. Tinib; Sityo Gumaninang, Brgy. Dibacong; at Brgy. Calabagan sa Casiguran, Aurora Sityo Casaysayan, Brgy. Diagyan; Sityo Jaba, Sityo Depogden, Sityo Dimaseset, at Sityo Dimaguyon, Brgy. lawang sa Dilasag, Aurora |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses